HAKBANG TUNGO SA PAGBABAGO
At kapag dumating ang oras na marunong na tayong maglakad gamit ang sarili nating mga paa tayo na mismo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Kapalaran kung magiging matagumpay o hindi. Tayong lahat ay nangagarap na magtagumpay sa buhay mahirap man o mayaman ngunit hindi lahat ay nabigyan ng pagkakataon na pagtagumpayan ang lahat ng ito. Dahil na rin sa mga problemang dinanas sa ating buhay, tulad nalang ng pagiging mahirap ang kakulangan sa lahat ng gastusin araw-araw.
Ngunit hindi natin makakaila na may mga taong kahit hirap na hirap na sa buhay ay gumagawa pa rin talaga ng paraan para lang maabot ang mga pangarap o minimithi sa buhay. Na siyang ikinabibilib ng lahat at nais ring gawin sa buhay. Na kahit ano mang pagsubok ang dumating sa buhay kung gugustuhin lamang ay magagawan ito ng paraan.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento