Mga Post

Imahe
Proyektong Ipinasyal     Bawat estudyante may kanya-kanyang gawain patungkol sa paaralan. Pwedeng grupo, pwedeng hindi. Pwedeng tapusin, pwedeng hindi. Pwedeng baliwalain, pwedeng hindi. Pwedeng unahin, pwedeng ihuli na lamang.       GRADE 8! Grade 8 students pa lamang kami noon ang dami mang nangyari ngunit isa ito sa mga hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko dahil isa ito sa mga masasayang nangyari sa buhay ko. Kasama ang Bestfriend ko sa larawang iyan. Isa sya sa mga ka grupo ko kung saan naging mas maganda dahil pareho kami ng ideya patungkol sa isa sa mga requirements ng guro sa amin ang Video Show. Kasama ang pinsan nya na syang kukuha ng mga larawan kaya mas naging madali. Walang ilangan, walang klaartehan ang nangyayari.     Isa sa mga sikat na pasyalan (resort) sa Baranggay Macambol ay ang PENSOY RESORT. Madaming nangyari isa na doon ang pagkuha ng larawan para sa proyekto namin. Hindi naging madali ang lahat lalo na ang pagdatin...
Imahe
Papuntang HAVEN's     May mga bagay na nais mong gawin sa buhay, tulad nalang nga pamamasyal at maglakbay tungo sa iyong gustong puntahan. Kahit hindi maganda ang panahon basta gusto mo gagawin mo at pupuntahan mo.     Wala sa planong pamamasyal. Umagang umaga dumating ang mga pinsan ko sa bahay para magpahinga muna galing sa byahe at babyahe na naman papuntang Maragusan. Wala sa planong pinagpaalam ako ng mga pinsan ko sa mga magulang ko na isasama ko nila sa pamamasyal nila doon at planong bisititahin ang mga ilan sa mga kakiklala na rin. At ayun nga pinayagan ako na sumama sa kanila kahit wala pang Ligo at suklay sa buhok. Dali-daling nagdala ng mga gamit baka sakaling magbago ang desisyon ng mga magulang ko.     MAHABANG BYAHE! Makararanas ka ng init, ginaw, iinit na naman, giginaw na naman. pagkalipas ng ilang oras na byahe. Sandaling nagpahinga sa kakilala at kumain. Nais ko sanang magpahinga ngunit ang mga paa koy sadyang kay lupit at nais...
Imahe
FIELD TRIP      Pagkakataong ibinigay ng tadhana na sana ay may mangyayaring Field Trip bago man lang makatapos ng sekandarya. at hindi ito pinagkait ng pagkakataon. Bilang Grade 12 Student sa Sunbeam Christian School of \Mati, Inc., nabigyan kami ng pagkakataon na maranasan ang ganitong kaligayan. Kasama ang mga Guro, at kapwa estudyanteng gagradwet ngayong taon.          Handang-handa na sa lahat pati mga dadalhin. Bumyahe ng mga bandang alas 5 ng maaga patungo sa destinasyon, sa parte ng Davao Oriental. Hindi naging madali ang byaheng iyon sapagkat karamihan sa amin ay hindi sanay sa matagalang byahe. Kaya isa sa amin ay nahihilo at nagsusuka dahil sa dahilang iyon. Pilit ipinikit ang mga mata upang maiwasan ang mga ganyang nararamdamang pagkahilo dahil na rin sa byahe at sa baho.              At sa matagalang byahe na para bang ilang taon akong bumayahe dahil kung saan san ako dinala ng panainip ko...
Imahe
NAKAKULONG SA KASINUNGALINGAN    Katotohanang di maibigay ng sino man na mismo kapwa tao ay ipinagkait pa ang pagkakataong ito. Katohanang hanggang sa paglaki ay hindi pa rin masabi, mga katotohanang pilit itinago dahil iyon daw ang makakabuti at tamang gawin para sa lahat. Tulad nalang ng sa pamilya, ikinulong sa kasinungalingang akala mo ay iyon na ang totoo patungkol sa iyong pagkatao. Pagkataong hindi naman dapat sa iyo. Pagkataong ipinagkait. Pagkataong ipinapaniwala sayo. Pagkataong hindi nagkatuon na para sayo.        Hindi natin maipagkakait na kadalasan sa mga tao ngayon ay nakakulong na sa kasinungalingan na hanggang ngayon ay pinanindigan ng isa sa atin/kanila. Dahil na rin sa hindi matanggap at galit na nadarama o kinimkim simula ng malaman ito. Hindi malaman kung paano tatanggapin ang mga nalaman. Ngunit ninanais na sany dumating ang panahon o oras na makakalimutan na ang lahat ng nangyayaring di ninanais.
Imahe
HAKBANG TUNGO SA PAGBABAGO        Kung iisipin may iisang katotohanan na hindi natin napapansin na ang lahat ay nagsisimula sa isang munting hakbang. Hakbang na kung saan ang iyong mga sariling mga paa ang siyang magdadala tungo sa iyong kinabukasan. Kung saan ito ang magiging daan mo para ikaw ay magbabago. At kapag ikaw ay natuto na humakbang at maglakad , ikaw na mismo ang gagawa ng iyong sariling kapalaran. Ang pagbabago o hakbang na tinatawag katulad lang iyan ng paglakad, kailangan mo munang matutong humakbang at nasa sa iyo kung nanaisin mong matutong magbago o hindi.         At kapag dumating ang oras na marunong na tayong maglakad gamit ang sarili nating mga paa tayo na mismo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Kapalaran kung magiging matagumpay o hindi. Tayong lahat ay nangagarap na magtagumpay sa buhay mahirap man o mayaman ngunit hindi lahat ay nabigyan ng pagkakataon na pagtagumpayan ang lahat ng ito. Dahil na rin sa mga ...