Image may contain: 2 people
Proyektong Ipinasyal

    Bawat estudyante may kanya-kanyang gawain patungkol sa paaralan. Pwedeng grupo, pwedeng hindi. Pwedeng tapusin, pwedeng hindi. Pwedeng baliwalain, pwedeng hindi. Pwedeng unahin, pwedeng ihuli na lamang.
      GRADE 8! Grade 8 students pa lamang kami noon ang dami mang nangyari ngunit isa ito sa mga hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko dahil isa ito sa mga masasayang nangyari sa buhay ko. Kasama ang Bestfriend ko sa larawang iyan. Isa sya sa mga ka grupo ko kung saan naging mas maganda dahil pareho kami ng ideya patungkol sa isa sa mga requirements ng guro sa amin ang Video Show. Kasama ang pinsan nya na syang kukuha ng mga larawan kaya mas naging madali. Walang ilangan, walang klaartehan ang nangyayari.
    Isa sa mga sikat na pasyalan (resort) sa Baranggay Macambol ay ang PENSOY RESORT. Madaming nangyari isa na doon ang pagkuha ng larawan para sa proyekto namin. Hindi naging madali ang lahat lalo na ang pagdating ng tanghalian, sapagkat ang lahat ay gutom na gutom. sa parteng ito ang isa sa mga dahilan ko kaya hindi ko ito makakalimutan. Naubos na lahat ng pagkain na dinala namin ngunit gutom na gutom pa rin kami bago makakuha ng pagkain ay kailangan pang umuwi at daanin ang dalawang lugar na paikot-paikot kung daanin ang mga ito.
       Walang magawa kaya napagpasyahan ng karamihan na umuwi na muna ako para kumuha ng pakain sa bahay. Ngunit pagkadating doon wala ang mga magulang ko para magluto ng ulam o pagkain namin kaya ang tanging nadala ko nalang kasama ang Bestfriend ko ay ang mga delata. Nakakatuwa ang mga oras na iyon sapagkat kahit hindi sanay sa pagkaing hindi luto ngunit dahil sa gutom na gutom na kami ay syang pinag aawayan pa namin sa nakakatawang paraan. Parang mga batang walang i\mga magulang na gutom na gutom kung kumain sa mga Can goods.
         Sa mga nangyayari sa mga oras na iyon, napagtanto kong hindi mahalaga ang mga dinala o mga inihanda para maging masaya kundi kung paano niyo dinala ang sarili nyo kasama ang iba sa mga kakilala mo para maging masaya ang samahan niyo o ang grupo niyo.
        

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito