


FIELD TRIP
Pagkakataong ibinigay ng tadhana na sana ay may mangyayaring Field Trip bago man lang makatapos ng sekandarya. at hindi ito pinagkait ng pagkakataon. Bilang Grade 12 Student sa Sunbeam Christian School of \Mati, Inc., nabigyan kami ng pagkakataon na maranasan ang ganitong kaligayan. Kasama ang mga Guro, at kapwa estudyanteng gagradwet ngayong taon.
Handang-handa na sa lahat pati mga dadalhin. Bumyahe ng mga bandang alas 5 ng maaga patungo sa destinasyon, sa parte ng Davao Oriental. Hindi naging madali ang byaheng iyon sapagkat karamihan sa amin ay hindi sanay sa matagalang byahe. Kaya isa sa amin ay nahihilo at nagsusuka dahil sa dahilang iyon. Pilit ipinikit ang mga mata upang maiwasan ang mga ganyang nararamdamang pagkahilo dahil na rin sa byahe at sa baho.
At sa matagalang byahe na para bang ilang taon akong bumayahe dahil kung saan san ako dinala ng panainip ko. Unang destinasyon namin ay sa Philippine Airforce na kung saan mapapanganga ka lalo na pag bagohan ka nito. At pagpasok sa loob may mga ilang mimuto na may ibinigay na mga bawal at hindi bawal. May ipinalabas para sa mga K9. at sa katunayan nyan ay may paborito at nakilala kaming isa sa mga K9 Dogs, si "George". Madaming nangyari tulad nalang ng pagkuha ng mga picture habang nasa malaking ispasyu sa PA ng Davao.
Ikalawang destinasyon ay sa Crocodile Park, bago pa man pumasok ay kumain na muna kami dahil tanghali na. Pagkatapos no'n ay hinayaan na kaming pumasok sa Crocodile Park. Unang kita mo pa lang mapapamangha ka dahil sa pagpasok pa lang ay makikita mo na ang mga taong may kanya-kanyang kinuhanan ng litrato. May iba't ibang display. Mga balat ng ibang hayop, mga totoong buhay na hayop na iba-iba na talagang mapapa "wow" ka dahil sa di ko inaasahan na makikita ko ang mga iyon sa totong buhay ko. Na akala ko ay hanggang larawan ang kahat ng mga iyon. May mga estatwa, nakakatakot na hayop na nakakulong at iba pa.
Ikatlong destinasyn ay sa Butterflies House. Pagpasok namin dito akala ko wala lang, ngunit iyon pa lay nakatagu lang mga ito sa mga bulaklak at may ilan na lumilipad para hindi namin maabot.
Ikaapat na destinasyon ay sa D'Leonor Resort, nakaramdam na kami ng gutom at pagod habang may nag o'orient sa amin tungkol sa Resort. Di namin inakala na ganun ang kalaki ang lugar o nasakop ng Resort na yun para sa nais mamasyal. Napakaganda, napakalinis. Ipinag drive pa kami para malibot ang resort na iyo Masasabi kong hindi ako magsasawang balik balikan para mamasyal pa doon.
Huling destinasyon namin ay sa SM Mall. kanya kanyang kuha ng litrato, kanya-kanyang pasok sa loob at kanya kanyang bili sa mga gusto. Hinayaan lang kami nung mga oras na iyon basta bago mag alas 6 ng gabi ay nasa labas na kami para makauwi sa Mati City. Ngunit sa hindi inaasahan ay nasiraan kami ng sasakyan.
Gayun paman, may mga nangyayari pa sa mga oras na yun may iba na hindi mabuti. Ngunit hindi kami nagsisi dahil naging masya kami ng mga oras na iyon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento