Image may contain: one or more people, people standing, plant, shoes, outdoor and nature
Papuntang HAVEN's

    May mga bagay na nais mong gawin sa buhay, tulad nalang nga pamamasyal at maglakbay tungo sa iyong gustong puntahan. Kahit hindi maganda ang panahon basta gusto mo gagawin mo at pupuntahan mo.
    Wala sa planong pamamasyal. Umagang umaga dumating ang mga pinsan ko sa bahay para magpahinga muna galing sa byahe at babyahe na naman papuntang Maragusan. Wala sa planong pinagpaalam ako ng mga pinsan ko sa mga magulang ko na isasama ko nila sa pamamasyal nila doon at planong bisititahin ang mga ilan sa mga kakiklala na rin. At ayun nga pinayagan ako na sumama sa kanila kahit wala pang Ligo at suklay sa buhok. Dali-daling nagdala ng mga gamit baka sakaling magbago ang desisyon ng mga magulang ko.
    MAHABANG BYAHE! Makararanas ka ng init, ginaw, iinit na naman, giginaw na naman. pagkalipas ng ilang oras na byahe. Sandaling nagpahinga sa kakilala at kumain. Nais ko sanang magpahinga ngunit ang mga paa koy sadyang kay lupit at nais ng mamasyal sa gustong puntahan.
    HAVEN'S SPEAK! Bago ka makapunta sa iyong ninanais makita ang nais mong makita, ay lalakarin mo muna ng ilang minuto. Hindi na iniisip ang pagod at ang tanging ninanais ko lamng sa mga panahon na iyan ay makita ko ang buong lugar ng Maragusan at ang mga nakatagong view dito.
   Pagdating doon. Pagdating sa ibabaw sa lugar na ito, hingang malalim at imulat ang mga mata dahil sa mga view. Tulad nalang ng pagkainan nila, pahingahan at iba pa. Nilibot ko/namin ng pinsan ko ang lugar na iyon at hindi akong nagsisisi na pinilit ko silang pumasok doon sa lugar na iyon. Sa pwestong iyon makikita mo ang lawak na lugar sa Maragusan na kahit tag-ulan ang mga panahon na iyon, ngunit makikita mo pa rin nang ganda nito, dito sa Haven's Speak.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito